Add parallel Print Page Options

31 “Saan ko ngayon maihahambing ang mga tao ng kasalukuyang panahon? Ano ang katulad nila? 32 Tulad nila'y mga batang nakaupo sa pamilihan at nagsasabi sa isa't isa,

‘Tinugtugan namin kayo ng plauta ngunit hindi kayo sumayaw!
    Nanaghoy kami ngunit hindi kayo umiyak!’

33 Sapagkat dumating si Juan na Tagapagbautismo na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at sinasabi ninyong, ‘Siya ay may demonyo.’

Read full chapter